Show notes
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, November 24, 2026.
• May-ari ng aso, binaril ng rider na tumulong sa 2 menor de edad na nakagat; MPD: nagtangkang manaksak ang biktima
• 3 Vietnamese na nagkakasa umano ng surgical procedure nang walang PRC license, arestado
• Iba-ibang pampasabog at gamit sa iligal na pangingisda, nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Masbate at Saranggani
• Testigo: Si Romualdez ang 'central figure'; frat brod, front sa pagbili ng properties
• Mike Defensor at Joseph Espiritu, aapela; Sen. Marcoleta at legal team, mag-uusap pa
• Atong Ang at isang pulis, inisyuhan ng arrest warrant kaugnay ng 6 na nawalang sabungero sa Manila Arena
• Stand-up comedian na nagpost ng umano'y sexualized joke ukol sa mga kabataan, pagpapaliwanagin ng NBI
• Alex Eala, mainit na sinalubong sa pagbabalik-Pasig; nakipag-tennis kay PBBM
• Kapuso evictees Ethan Benares at Nicole Fortuna, masayang sinalubong ng kanilang Sparkle family
• Petisyon para pisikal na iharap si ex-Pres. DUterte, ibinasura ng SC; pero 'di ibig sabihing legal ang pag-aresto
• Michelle Yeoh, nasa Pilipinas; ipinagmalaki ang ASian representation sa Hollywood
• Baril at 3 magazine na ibinalot sa damit, nabisto sa isang shipment sa Zamboanga International Airport
• Isabela, isinailalim sa state of calamity; mahigit P2.8B na ang lugi sa agrikultura
• Pagkamalikhain ng mga taga-Binangonan, kita sa 'recycled mats' Christmas tree
• 4 menor de edad at 4 iba pa, sinagip; 2 bugaw umano, arestado
• Pagpasa ng 'alaga bill' at pagbuo ng Nat'l Commission on Animal Welfare, isinusulong
• Sen. Imee Marcos, inusisa kung alam ng DFA ang sinabi ni Trump na payag ang PHL na sa US kunin ang 100% ng agri at enerhiya nito
• 'Designed by engineer boyfie' usong caption para sa mga kumplikadong Christmas tree
• Lacanilao, bagong MARINA administrator; San Luis-Lutey, kapalit niya bilang LTO chief
• Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, engaged na
• Mungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano: boluntaryong ambagan ng bawat Pinoy para bayaran ang P19T utang ng Pilipinas
• Kampo ni ex-pres. Duterte, tutol sa anila'y malawakang paggamit ng "closed door session" sa pagsalang ng mga testigo ng prosekusyon
• Buwan, mas malaki at mas maliwanag ngayong gabi
• Pag-ulan sa ilang lugar, posible kahit walang bagyo
• '58th,' kauna-unahang PH-documentary film na mapapanood sa streaming platform na Prime video
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Website: shows.acast.com

