Skip to content
Global sound
The Linya-Linya Show

The Linya-Linya Show

411: Pride & Punchlines w/ Inah Evans

· 1 h 12 min

Show notes

Ang pagbabalik ni Inah Evans sa The Linya-Linya Show!

Marami nang nangyari mula noong huli natin siyang makasama— mula hosting, TV shows, podcast guestings, theater, improv, at stand-up comedy. Busy at blessed, ika nga. Sa dami ng hats na sinuot niya sa mga nakaraang taon, napagkuwentuhan namin kung paano niya bina-balanse ang iba’t ibang passions, projects, at opportunities na dumarating.

Napag-usapan din ang kanyang upcoming comedy show sa Music Museum ngayong July, ang mga natutuhan niya sa pagpe-perform sa iba’t ibang entablado, at kung paano siya patuloy na lumalago bilang artist at performer.

At syempre, hindi rin namin pinalampas ang usapan tungkol sa Pride PH Festival. Bilang host mula pa noong unang Pride PH hanggang ngayong ikaapat na taon nito, ikinuwento ni Inah ang evolution ng festival, kung paano ito lumaki kasabay ng komunidad, at kung ano ang maaaring asahan ng mga dadalo sa Pride March at Festival ngayong taon.

Isang masaya, makulit, at makabuluhang catch-up tungkol sa comedy, creativity, community, at ang patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, representasyon, at empowerment.

Listen up, yo.

Website: podcasters.spotify.com

Live, last hour: 11,750 songs on 4,616 stations in 125 countries

Discover the world through radio

More ways to discover (7)

Heard something good? Save it, or open it straight away in Spotify.

★ Artist of the week The fastest riser on the radio this week
Your song here? From € 9 per week →
Radio 538 luisteren - Live!Popular right now