Notas do episódio
Kuwento ng mag-asawang Daniel at Paulina—mga dating atheist—na lumipat sa isang liblib na baryo sa San Ricardo, Leyte habang nagbubuntis si Paulina sa kanilang panganay na si Maria. Akala nila'y mababait at palakaibigan ang mga kabaryo, ngunit natuklasan nilang isa palang kulto o baryo ng mga taong nawala sa tamang pag-iisip na nag-aalay ng mga buhay na tao at sanggol sa isang gintong kabaong tuwing Mahal na Araw. Sa tulong ng panalangin at matinding pakikipaglaban para sa buhay ng kanilang magiging anak, buong tapang na tumakas ang mag-asawa at nanganak si Paulina sa gitna ng kanilang pagtakas. Isang kuwento ng makapigil-hiningang pagligtas, pagiging totoong magulang, at pagbabalik-loob sa Pananampalataya sa Diyos.
Site: podcasters.spotify.com

