Catatan episode
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, November 16, 2026.
• 2 grupo ng lalaki, nagrambulan sa kalsada; may nagbasag ng bote, namalo ng tubo atbp
• Umano'y holdaper, arestado matapos kuyugin ng mga customer ng isang kainan; kasabwat niya, tinutugis
• Code of Conduct sa South China Sea, 80% na tapos sa ilalim ng PH chairmanship ng ASEAN; itutuloy sa ilalim ng Singapore
• Mga raliyista, 'di umalis ng Liwasang Bonifacio pero target magmartsa bukas hanggang PICC kasabay ng pagdalo ni Trump
• Rollback sa oil prices bukas, bitin para sa ilang motorista; halaga, hindi pa rin papantay sa pre-2026 Iran war prices
• Driver na nakipagsabwatan umano sa merchandiser para bawasan ang delivery ng frozen chicken sa supermarket, huli
• "Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko", mapapanood sa QCinema Int'l Film Festival
• Ipuipo, nabuo dahil sa localized thunderstorm ayon sa PAGASA
• Sec. Teodoro, naniniwalang tutulungan ng US at ibang kaalyado ang Pilipinas kung sumiklab ang gulo sa South China Sea
• 200+ kabilang ang 20 menor de edad na nagprotesta kahapon, inaresto
• Chemistry nina Jak Roberto at Rhian Ramos, kinakiligan ng fans ng "Taskforce Firewall"
• Konsehala at 2 iba pa, arestado sa pagbebenta umano ng mga ari-ariang hindi sila ang may-ari
• Pagpapalakas sa ASEAN-Korea free trade agreement, sinimulan na
• Baguio City Police Office, naka-full alert sa dami ng mga turista
• Iba-ibang christmas decor, agaw-pansin sa lumang kapitolyo ng Cabanatuan City
• Aso, pinasabugan umano ng boga
• "Bagyo-free" at walang nagbabadyang mabuo na anumang sama ng panahon sa mga susunod na araw pero ilang weather system, makakaapekto pa rin
• 13-anyos na binatilyo, sugatan matapos ma-hit & run; motorcycle rider na nakabangga, pinaghahanap
• Kanlaon Volcano, dalawang beses nagbuga ng abo ngayong araw
• Michael Sager, nagpasalamat sa positive feeback sa kanyang PBB hosting stint; nakipag-bond din sa isang fan meet
• Gala dinner tampok ang kultura, talento at mga pagkaing pinoy, magsisimula na
• Long weekend, sinulit ng magkakaanak o magbabarkada para mag-bonding; pasyalang malapit lang sa NCR, dinayo
• Pulis, nasawi nang makipagbarilan ang sinisilbihan ng arrest warrant; suspek, patay; isa pang pulis, sugatan
• Ethan Benares, nag-explain at nag-sorry patungkol sa viral na 'dinosaur' issue
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Situs: shows.acast.com

