Ugrás a tartalomra
Global sound
24 Oras Podcast

24 Oras Podcast

24 Oras Podcast: November 18, 2026

· 59 perc · 513. epizód

Epizódjegyzetek

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkules, November 18, 2026.

• Pulis na nangholdap umano ng alahero, arestado; 5 pang pulis, 3 iba pa tinutugis
• Trump: Pinalakas ang defense cooperation sa Pilipinas na isang 'key us ally'
• Code of Conduct sa South China Sea, 85%-90% nang tapos, ayon kay PBBM
• Martsa ng mga rallyista pa-Mendiola, hinarang ng barikada ng pulis na may matatalas na concertina wire
• 2 ex-household staff ni VP Duterte, iniligtas sa 'di pinangalanang lugar at maayos na ang kalagayan
• Caprice Cayetano, ready na pumasok ulit ng Bahay Ni Kuya
• Kalalabasan ng trilateral meeting nina Trump, Xi at PUtin, may epekto sa maliliit na bansa gaya ng Pilipinas
• Paglagda sa Pax Silica deal, wala sa agenda ng pagbisita ni Trump ayon kina PBBM at US Ambassador Lipton
• Temperatura sa La Trinidad, Benguet, bumagsak sa 7°C
• Julie Anne San Jose, SB19 at Gary V, ipinamalas ang world-class Pinoy talent sa closing ceremony ng 49th ASEAN Summit; Timor-Leste prime minister, napaindak
• School principal, patay sa pamamaril; suspek, nakatakas
• 4 na testigo, pina-subpoena ng depensa; registration at food expositions ng Calle 88, ilan sa mga inaasahang tatalakayin
• Malolos-Valenzuela segment ng NSCR, ininspeksyon ng DOTr; target i-test run sa 2027 at gawing operational sa 2028
• 2 sa 19 tripulanteng Pinoy ng LPG tanker, sugatan sa drone attack; manning agency, inaayos na ang pag-uwi nila sa PHL
• Fireworks display, makukulay na ilaw, banderitas at mga parol, tampok sa christmas lighting sa ilang probinsya
• Suspek sa pangmamartilyo sa 3 biktima, wala umanong utang; umatake nang marinig na magwi-withdraw ang biktima
• Ilang kongresista, handang dumulog sa SC kung 'di maaayos ang anila'y maling proseso ng pag-apruba ng budget sa Kamara
• Megan Young, bahagi ng panel of judges sa Miss Grand International All stars
• Dalawa sa mahigit 200 inarestong raliyista, pinalaya na; release order para sa kanila, inilabas na
• Trapiko sa NLEX at SLEX, inaasahang bibigat sa pagdagsa ng mga pauwi galing probinsya
• Discipline, consistency, peaceful heart and being surrounded by love, sikreto ni Klea para ma-hit ang body goal
• Pagkakaisa at paghilom, sentro ng pagtitipong dinaluhan ng ilang political, religious at business leaders
• Pang-aararo ng truck sa mga sasakyan at establisyimento, sapul sa dashcam; lalaki, patay nang madamay
• Series nina AZ Martinez, Ralph De Leon at Michael Sager, mapapanood na this Nov. 23 sa Viu
• 'Human' ang naipiling 'Word of the Year' ng Cambridge dictionary
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Weboldal: shows.acast.com

Élőben, az elmúlt órában: 14 144 dal, 5 547 állomás, 112 ország

Fedezd fel a világot a rádión keresztül

További felfedezési lehetőségek (7)

Hallottál valami jót? Mentsd el, vagy nyisd meg rögtön a Spotifyban.

★ Artist of the week The fastest riser on the radio this week
Your song here? From € 9 per week →
Phaune RadioHallgatás folytatása