Show notes
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkules, November 4, 2026.
• Guwardiya ng convenience store, patay sa pamamaril ng 2 holdaper
• 6-anyos, patay nang ma-hit-and-run; driver, di umano napansin ang bata
• 2 grupo, naggirian hanggang intersection; ayaw paawat sa PNP
• CCTV footage ni romualdez sa New QC Jail, inilabas ng BJMP; iginiit na 'di siya nakakalabas
• PNP — 2 pang nakatakas na suspek, hinahanap; posibleng bahagi sila ng mas malakas na grupo
• DA — sapat ang reserba ng bigas para sa 3-buwan; sapat din ang baboy at manok
• P1-B shabung isiningit sa mga karton, nabisto
• Grand debut celebration ni Caprice Cayetano this weekend, all set na
• Mga nagbebenta umano ng exotic at endangered na hayop, arestado; burmese phyton at tortoise, nasagip
• Chinese State Media — mga politikong naninira umano sa China, binanggit ng Chinese Foreign Minister sa phone call nila ni DFA Sec. Lazaro
• DPWH, tiniyak na ipapasa ang mga supporting document ng mga proyekto para hindi alisin ng Senado sa budget
• Mahigit 100 pang patay na hayop ang natagpuang sa iba-ibang lugar sa lungsod
• 10-15 menor de edad na nagbatuhan sa kalsada, isinailalim sa intervention
• 172,654 Macbook neo, ipapamahagi sa public school teachers at admin staff
• 12-day protest, ikinasa ng 'Bayan' bilang pagtutol sa pagdating ni US Pres. Trump
• Coaches ng The Voice Kids, nagbahagi ng kanilang saloobin dahil sa naganap na knockout round
• Danger level na heat index, posibleng maranasan sa ilang lugar bukas
• Petisyong kumukwestiyon sa voting threshold, ipinababasura ng OSG sa SC
• Lamang ni Vice President Sara Duterte kay Naga City Mayor Leni Robredo, lumiit base sa isang hypothetical na pagtatapat ng dalawa sa presidential elections
• DA: 'Di insertions ang farm-to-market road projects, namali lang ang coordinates ng ilan
• 61 Vietnamese na tumakas umano sa fire exit sa gitna ng raid, hawak na ng pulisya; 'di pa tiyak kung suspek o biktima
• Alex Eala, aabante sa Round of 16 ng Hong Kong Open
• Democratic Party, nanaig sa U.S Midterm Elections
• Lalaki, patay nang mahulog mula sa SUV; hinabol umano ang driver nito na 'di nagbayad sa biniling cellphone
• Dingdong Dantes, masaya sa mga dagdag karakter sa Book 2 ng 'The Master Cutter'
• Pwedeng ituloy ang Confirmation of Charges pero hindi ang trial kung 'di pa naaaresto ang akusado
• Ilang Kapuso stars, kumasa sa 'Dito ang Tingin' challenge
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Website: shows.acast.com

