Σημειώσεις επεισοδίου
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, November 6, 2026.
• Rider, hinataw ng baseball bat ng isang driver
• Motovlogger at racer, sugatan matapos pagbabarilin ng 4 na tila customer sa loob ng tindahan
• Ombudsman Remulla, magsu-surprise inspection sa BJMP Male Dormitory
• Padilla sa kung dapat sumuko si Dela Rosa — kung ako, 'di ako susuko sa ICC
• Driver ng SUV na itinakbo ang biniling cellphone nang hindi nagbabayad, mahaharap sa robbery with homicide
• Malasiqui Police — isa sa 5 nasawi ang itinuturong utak sa ilegal na paggawa ng paputok
• 21 sangkot umano sa e-sabong na nila-livestream abroad, arestado; mahigit P10-M halaga ng equipment, kinumpiska
• Zia Dantes, nagpabilib sa kanyang recital performance; proud parents sina Dingdong at Marian
• 15-anyos, sugatan nang saksakin ng basag na bote ng kaeskwela; giit ng suspek, nauna siyang pinagtripan at dinepensahan lang ang sarili
• 10 ad interim appointees ni PBBM, nanumpa
• Bagyo sa labas ng PAR, namataan
• Ilang socmed pages at account, irereklamo ni Omb. Remulla dahil sa umano'y pagpapakalat ng fake news
• Mga SPED teacher, kinilala sa pagpapailaw ng 40FT Christmas tree sa SJDM, Bulacan
• SUV, bumangga sa mga barrier; 6 sugatan
• Pagpapaigting sa proseso ng kapayapaan, tinalakay sa ni PBBM at ng MILF Chairman
• Bigtime rollback sa presyo ng langis, aasahan sa susunod na linggo
• Rodil Zalameda, nanumpa na bilang ika-28 Chief Justice
• 8 recorded testimonies, nais ipagamit ng prosekusyon sa paglilitis
• 15-anyos na pumatay umano sa ina gamit ang martilyo, kinasuhan ng parricide
• P10K kita atbp. gamit sa barbershop, tinangay; 2 nanloob, arestado
• Mahigit 20 flights sa Europe, naantala dahil sa bomb threat; may mga nag-emergency landing
• Sariling gastos ni VP Duterte ang biyahe sa Hong Kong, ayon sa OVP
• Ahjay Paws Aftercare, kinontratang crematorium sa SJDM at inutusan umanong 'maglibing' sa mga hayop, inireklamo ng NBI
• Dennis Trillo, pinuna ang party supplier na gumamit ng replica ng tabloid na nagbalita sa trauma ng young Jennylyn Mercado
• 13-anyos na weightlifter, benta ang pose at hair flip matapos ang successful 51kg clean and jerk attempt
• Michael Sager, thankful sa positive feedback sa hosting niya sa PBB Collab 3.0
• Karamihan sa ebidensyang inihain ng prosekusyon, tinanggap ng Impeachment Court
• Truck driver, sugatan nang barilin ng nakaalitang driver ng kotse
• PSA — 2.86M ang walang trabaho sa pagpasok ng 2026 'ber months'
• SC — naaayon sa Konstitusyon ang pagpapalawig ng termino sa mga opisyal ng Brgy at SK Officials
• Illegal recruiter na ikinulong umano ang mahigit 20 recruit, arestado
• Mga kabataang pinoy (edad 11-17), kabilang sa itinuturing na 'least physically active in the world' ayon sa isang pag-aaral
• Alex Eala, pasok sa quarterfinals; 1st time talunin si Tereza Valentova sa score na 6-4, 7-6 (7)
• Pagbuhat ni Ralph De Leon kay AZ Martinez sa isang Tiktok video, kinakiligan
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more…
Ιστότοπος: shows.acast.com

