Note dell’episodio
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, October 1, 2026.
• Nagbebenta umano ng mga blangkong Certificate of Registration ng LTO, arestado
• 12-anyos, minomolestiya umano ng amain; ina ng biktima, inaabuso rin umano
• Piloto ng eroplano, sinaksak ng co-pilot; tangkang pagbagsakin ang eroplanong pa-Israel, napigilan ng pasahero't crew
• Wallet ng working student, tinangay ng 'Ipit Gang'
• DTI, humingi ng dagdag-budget para bantayan ang mga ibinebenta online
• Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, posibleng bawasan ayon sa NWRB
• Mary Jane Veloso sa mga gustong mag-OFW — dumaan sa legal na proseso
• David Licauco, nagte-training ng MMA at taekwondo para sa PH Adaptation ng K-drama na "Fight For My Way"
• Ilang miyembro ng grupong True Brown Style (TBS), iginiit na 'di sila magnanakaw; nangangamba na rin sa kanilang kaligtasan kasunod ng banta ng DILG
• P6M property at P3.4M property na pag-aari ng mister ng bise batay sa mga titulo, wala sa SALN ng mga Duterte ayon sa Prosekusyon
• Chinese vessel na ilang araw na sa PH EEZ, inikutan ng inflatable boat ng PCG
• Hindi iniipit kundi delayed talaga ang release ng pondo ayon sa ilan sa Mayorya; walang kinalaman sa pagsuway sa mayorya
• Candelaria, silver sa isang taekwondo event; Cojuangco, silver sa isang archery event
• Motor tanker na may kargang molasses, nasunog; 22 crew, ligtas
• Trough ng bagyo sa labas ng PAR, magpapaulan sa VisMin
• 4 na miyembro ng grupong sangkot umano sa serye ng holdapan, arestado
• COA — halos P107M Ayuda, posibleng nakontaminang dahil sa daga, peste
• Prosekusyon, binawi ang pagtestigo sana ni Trillanes; ilang Prosecutors, nagulat
• Dingdong Dantes, enjoy sa stunt scenes; good vibes sa set, shinare rin niya
• Alegasyong tumanggap siya ng pera para kay VP Duterte, itinanggi ni Jefry Tupas
• Curlee Discaya, tinawag na "tahasang kasinungalingan" ang mga paratang ni Graciosio, ayon sa kanyang abogado
• Kyline Alcantara, ipinasilip ang astig side sa target shooting; "Taskforce Firewall" agents, kumasa sa Tiktok dance trend
• Ashley Sarmiento, nagpa-wow sa kanyang rendition ng 'Dancing on My Own'
• Hamon ng mommy sa anak na mag-translate to english, nauwi sa tila lecture ng bata
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sito web: shows.acast.com

