Notatki do odcinka
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, October 13, 2026.
• 3 sa 4 na articles of impeachment, iniatras ng prosekusyon; Article II lang ang itinira
• VP Duterte, tuloy ang pagtakbo sa #Eleksyon2028; inaasahan na raw ang mga paninira
• Lalaking nag-aapply na driver at tinatangay ang mga minamanehong truck, arestado
• Radio broadcaster, patay nang barilin sa loob mismo ng kanyang panaderya
• Meralco bill ngayong Oktubre, tataas ng P0.32/kWh
• 657kg ng mga smuggled umanong karne galing China, kinumpiska ng NMIS
• 'Amir', kabilang sa 8 entries sa 52nd MMFF
• Wowie De Guzman, nakatulog umano habang nagmamaneho kaya bumangga sa concrete barrier
• VP Duterte, itinangging pagmamay-ari niya ang mga ipinakitang lote ng NBI
• Panibagong 90-day preventive suspension, ipinataw kay Sen. Estrada ng Sandiganbayan 5th Division
• Behind-the-scenes sa set ng 'Red Crown'
• Mga alagang bangus, nagkandamatay dahil umano sa pabago-bagong klima; ilang bangus grower, umaapela ng tulong
• 76 dayuhan na sangkot umano sa pang-i-scam, arestado sa mala-POGO na operasyon
• Rep. Janette Garin, pinawalang sala sa kasong graft and malversation kaugnay ng dengvaxia
• Dalawang tinaguriang "Maleta Boys", tumestigo sa umano'y paghahatid ng pera kay dating house speaker Romualdez; depensa, kumontra
• Pahayag ng pangulo ukol sa pagbili ng balde at pag-iipon ng tubig, inulan ng batikos at meme online; ikinadismaya rin ng isang grupo
• SSS Pres. and CEO Robert de Claro, itinalaga bilang bagong DICT Secretary
• Palasyo kay VP Duterte — ang nakakahiya ay ang nasabat na shabu sa magnetic lifter noong administrasyon ni ex-Pres. Duterte
• 'Atoy' Dingdong Dantes, mahaharap sa mga bagong pagsubok sa 'The Master Cutter' Book 2
• Prosekusyon, 'di raw maintindihan kung bakit di masaya ang depensa na nilaglag na ang tatlong articles of impeachment laban sa bise
• Laguna Gov. Aragones, sinampahan ng reklamong graft dahil sa chemotherapy center na wala umanong lisensya
• Trust rating ni PBBM, bahagyang tumaas sa isang survey pero lumalabas na mas mataas ang kay VP Sara
• Giit ng kampo ni VP Duterte, hindi pwedeng sampahan ng kasong kriminal ang bise habang nakaupo sa pwesto
• Ex-Pres. Duterte, personal na humarap muli sa status conference ng kanyang kaso
• Zephanie, litaw ang ganda sa bagong hairstyle; nasa healing era ang karakter sa 'Born to Shine'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Strona: shows.acast.com

