Notatki do odcinka
• Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, October 19, 2026.
• 'Super typhoon', inaasahang papasok sa PAR bukas ng umaga o hapon
• Babaeng edad 111, nakaligtas nang alistong makahingi ng tulong sa brgy
• Bangkay na naka-tape ang mukha, may laslas at nakagapos, inihulog sa bangin
• Estudyanteng rider, patay matapos sumemplang at tumama sa poste
• Mga maleta, namataan sa Co properties ayon sa 2 ex-security niyang tumestigo sa Sandiganbayan; laman ng mga ito 'di umano nila tiyak
• 90-day suspension sa pagka-senador, ipinataw ng Sandiganbayan kay Sen. Marcoleta bunsod ng kinahaharap na kasong plunder
• 4 na opisyal ng DPWH, inalis sa puwesto kaugnay ng flood control issue sa Davao at umano'y pangongotong
• Bahay ni Chef Tatung Sarthou, tinatayang 1 buwan nang ninanakawan
• Alden Richards, naka-bonding ang kanyang kuya sa Amerika; balik-taping agad ng "Code Gray" pag-uwi ng Pinas
• Mas mabilis at murang internet sa bansa, prayoridad ni bagong DICT Sec. De Claro
• Investment ng gobyerno sa mga nurse, hiling ng mga dumalo sa isang pagtitipon
• P183K halaga ng gamit, ninakaw sa pumping station sa Pasay; 3 suspek, arestado
• Super typhoon bukas inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility
• Barbara Palvin at Kylie Jenner, rumampa sa Victoria's Secret Fashion Show
• Mahigit 21 personalidad, ipina-subpoena ng CIDG kaugnay ng pagpuslit ng shabu mula Laos
• Taas-presyo sa diesel, ikakasa bukas
• 4 na pangalan ang nasa "statistical tie" para sa unang pwesto, base sa pinakahuling senatorial preferences survey ng OCTA Research
• Pari sa Ecuador, nasawi nang mabagsakan ng krus habang nagmimisa
• Pagbasura sa petisyon para alisin sa pwesto si Sen. Erwin Tulfo, pinagtibay ng Senate Electoral Tribunal
• Lalaki, nanloob sa laundry shop; naaresto matapos mahulihan ng ilegal na droga
• Chinese Ambassador, pinatawag ng DFA; sinabihang 'di katanggap-tanggap ang kanyang mga 'mapanghamong' pahayag
• Magkapatid na Cayetano, kinuwestiyon kung bakit pinag-iinitan umano ng LLDA ang Taguig reclamation
• Karahasan, sumiklab sa ilang protesta laban sa mataas na cost of living at mababang kalidad ng public service
• Shuvee Etrata, binalikan ang kanyang bakasyon sa Canada
• Mga higanteng belen na may mga enggrandeng disenyo, inihahanda na
• Carlos Yulo, aabante sa finals ng vault at floor exercise ng World Gymnastics Championships
• Vice Admiral Rommel Supangan, itinalaga bilang bagong PCG commandant
• Mga pagsasanay kontra-pamimirata at dahas sa karagatan, isinagawa ng Philippine Coast Guard at Japan Coast Guard
• Chinese Ambassador Jing Quan, ipinaabot kay Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro ang kanyang pagpalag sa pagtawag na "threat" o pagbabanta ang nauna niyang pahayag
• Vince Maristela at Ralph Miaco, enjoy sa Miss Q&A experience sa 'It's Showtime'
• 'Delivery Boi' pilot episode, pinanood ng cast; karakter ni Will Ashley na dyslexic, nasilip
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Strona: shows.acast.com

